Nasa DPWH an
[Verse 1]
Akala ko'y pag-ibig, 'yon pala'y proyekto
Pinirmahan sa mesa, pero 'di kompleto
Ang puhunan ay isang milyon lang
Pero milyong kaban ng bayan ang ninakaw nang walang pagdaramdam
Nangakong aayusin ang ating kalsada
Pero lubak-lubak kahit bagong gawa pa
Baha sa kanto, walang kanal na totoo
Ginastusan pero substandard pala ito
[Chorus]
Nasa D-P-W-H ang yaman,
Sa kontrata’t flood control na walang laman
four hundred ninety one, na proyekto ang binuo
Pero ang bayan, ang puso’y gumuho
Nasa D-P-W-H, KOOWA, pati insurance
Pati tulong, sa bulsa na lang ng may chance
Pera ng bayan, ginawang koleksyon
Pambili ng kotse, di ng solusyon
[Verse 2]
twenty eight luxsory cars, parang showroom na
Habang ang masa, nakalubog sa baha
Dahil sa proyektong walang kalidad
Tubong-lugi ang mamamayan, sila'y nagnanakaw ng sagad
Ang flood control, hindi flood resist
Dahil cemento’y manipis, parang papel sa list
Pag-ulan lang ng saglit, daan ay dagat
Gobyerno ba talaga, o sindikatong tapat?
[Chorus]
Nasa D-P-W-H ang yaman,
Pero ang serbisyo'y puro kasinungalingan
four hundred ninety one, na proyektong pinaglaruan
Mga buhay ang kapalit sa ulan
Nasa D-P-W-H, KOOWA, pati insurance
Walang takas, lahat may ambag sa kadiliman
Ang yaman ng bayan, ginawang negosyo
Habang ang masa, ay palaging talo
[Bridge]
Hindi ito kanta ng paninira
Ito’y paalala, huwag kang maging katulad nila
Kung may kapangyarihan kang gamitin
Gamitin mo sa tama, 'wag sa sariling interes lang iikot ang hangarin
[Outro / Reminder to People]
Sa bawat proyektong substandard,
May pusong nabigo, may pamilyang nawasak
Huwag mong hayaan na ang yaman ng bayan
Mapunta sa iilang gahaman lang
Gising na, Pilipino, 'wag ng umasa
Sa huwad na pag-ibig ng sistema
Sa halip, tayo'y magtulungan
Pag-asa’y tayo rin, hindi sila lang
TolBox on the Beat!....