danmaku icon

Ang BANAL NA HAPUNAN! LETERAL BA O SPIRITUAL?

208 ViewsMar 25, 2023

“Bakit ang Banal na Hapunan ng INC ay ginagawa sa UMAGA? Hapunan ‘yon, diba?” SAGOT: Malaki ang pagkakaiba ng BANAL NA HAPUNAN sa ORDINARYONG HAPUNAN, kaya tayo kumakain ng hapunan, ay upang tayo ay “MABUSOG”, upang maibsan ang ating gutom. Iba ang Pagbabanal na Hapunan, hindi ito isinasagawa para tayo ay mabusog. Niliwanag iyan ni Apostol Pablo: 1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong pagtitipon, hindi BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon ang kinakain ninyo. [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia] 1 Corinto 11:21 “Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at ang iba'y lasing.” 1 Corinto 11:22 “ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.”  Inakala ng mga unang Cristiano noong una na ang BANAL NA HAPUNAN, ay katulad ng ordinaryong hapunan na KAINAN at INUMAN, kaya ang IBA AY NAGPAPAUNA SA PAGKAIN, at ang iba naman ay NALASING sa kaiinom ng katas ng UBAS. Kaya nga sabi ni PABLO ay: ” ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN?” Kasi nga hindi naman ORDINARYONG HAPUNAN iyon eh na kaya ka nanduduon ay KAKAIN ka hanggang gusto mo para ikaw ay MABUSOG.
creator avatar

Recommended for You

  • All
  • Anime